Para po sa ating mga aplikante na nag-apply na o maga-apply pa lang, ito po ang ating proseso sa ating hiring process.
| RECRUITMENT ROAD MAP | ||
| ACTIVITY | IF QUALIFIED… | IF NOT QUALIFIED… |
| Registration and Screening | will be endorsed to take PKIMT Exam | For re-apply after 3 months |
| PKIMT Exam | Will be endorsed to General Interview/Initial Interview | For re-apply after 3 months |
| General Interview/Initial Interview | Will be endorsed to Client Interview/Final Interview | For re-apply after 3 months |
| Client Interview/Final Interview | Will be endorsed to pre-employment medical exam and submission of requirements | Will be endorsed to other client |

| Client Interview/Final Interview | Will be endorsed to pre-employment medical exam and submission of requirements | For re-apply after 3 months |
Paalala mula sa PKIMT
Ating tandaan na napakahalaga ng ugali o asal na ating ipinapakita habang sumasailalim sa examination o interview ng PKIMT staff at/o HR staff ng aming mga kliyente.
Kung sakali mang hindi kayo makapasa sa unang kliyente, ngunit naging maayos at positibo ang inyong asal sa buong proseso, may posibilidad pa rin po kayong ma-endorso sa iba pa naming kliyente — basta’t tumutugma ang inyong mga kwalipikasyon sa kanilang pangangailangan.
May mga pagkakataon po na natatagalan bago kayo matawagan ng PKIMT. Ito ay kadalasang dahil wala pa pong kliyenteng tumutugma sa inyong kwalipikasyon. Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa — hindi po ito dahilan para magalit o sisihin ang PKIMT.
Ang pinakamainam na magagawa natin ay paghusayan pa lalo ang ating performance sa bawat interview. Tandaan, kayo pa rin ang pinakamalaking factor kung bakit kayo magugustuhan ng ating mga kliyente.
Mga Kriteriya para Maging Kwalipikado sa Trabaho:
-
Mga kwalipikasyong itinakda ng aming mga kliyente
-
Kailangang makapasa sa PKIMT Exam
-
Kailangang makapasa sa PKIMT Interview, batay sa sumusunod:
-
Kasanayan (Skills)
-
Ugali (Attitude)
-
Pagkatao (Personality)
-
Edukasyon
-
Kahandaang magtrabaho (Willingness)
-
Kasanayan sa pakikipagkomunikasyon
-
Kalagayang pisikal (Physically Fit)
-
-
Kailangang makapasa sa Final Interview o Client Interview
Mahalagang Paalala:
Wala po kaming sinisingil na bayad, at wala kayong kailangang bayaran sa kahit sinong staff ng PKIMT.
Kung hindi pa po kayo natatawagan, malugod po namin kayong inaanyayahang bumisita sa aming opisina o magpatuloy sa pag-a-apply sa iba pa naming partner companies o sa iba pang kumpanya sa industriya.
Magtulungan po tayo tungo sa inyong tagumpay. Maraming salamat po.